Ano ang kahulugan ng wika ayon kay Henry Gleason?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang kahulugan ng wika ayon kay Henry Gleason?

Sagot verified answer sagot

Binigyang kahulugan ni Henry Gleason ang wika bilang isang balangkas na masistema ng mga tunog na binibigkas at inayos sa arbitraryong pamamaraan para makabuo ng mga titik na pagsasama-samahin upang makagawa ng isang salita na maaaring gamitin sa pagpapahayag ng damdamin o saloobin.

Ang pinakabuklod ng mga tao sa isang bansa ay ang kanilang wika sapagkat ito ang daluyan ng komunikasyon at kaunawaan mula sa iba’t ibang grupo o pangkt ng mga indibidwal.

Idagdag pa riyan, ang wika ay isang mahalagang salik upang magawa o magampanan ng isang indibidwal ang kanyang gampanin. Ito rin ang pinakaunang instrumentong ginagamit ng ating utak at damdamin sa pagpapahayag.