Ano ang kahulugan ng wikang balbal?

Katanungan

Ano ang kahulugan ng wikang balbal? Nalilito ako eh.. 😀

Sagot verified answer sagot

Ano ang kahulugan ng wikang balbalAng wikang balbal ay tinatawag ding wikang islang o kolokiyal. Ito ay ang wikang ginagamit na walang pamantayan at ginagamit ng isang partikular na grupo o pangkat sa lipunan.

Nabuo ang mga wikang ito sa di pormal na paraan. Maaaring ito ay mga salitang pinaikli, mga salitang pinagsama, mga salitang hiniram ngunit iniba ang baybay, at mga maikling salita na pinahaba.

Tinatawag din ang wikang balbal na salitang kanto o salitang kayle. Ito ay sapagkat ang mga salitang balbal sa Pilipinas ay kadalasang nabubuo sa mga usapan sa kalye at sa mga usapan ng mga gumagamit. Dahil kakaiba sa pandinig, ang salitang balbal ay naging bahagi na rin ng kulturang popular ng Pilipinas.