Katanungan
ano ang kaibahan ng pagsulong sa pag unlad?
Sagot
Ang pagsulong ay ang indikasyon na kung saan may nagaganap nap ag-angat mula sa ekonomiya ng isang bansa. Ito ang nagsisilbing bunga o resulta ng nagaganap nap ag-unlad sa loob ng isang bansa.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng mga gusaling moderno,pagkakaroon ng sasakyang maganda, pagkakaroon ng mga kasangkapang moderno, at mga kalsadang maayos.
Sa kabilang banda naman, ang pag-unlad ay ang pagkakaroon ng pagbabago sa loob ng isang bansa na kung saan mula sa mababa ay naaabot nito ang pagbabago patungo sa mas mataas na antas.
Ang pag-unlad ay ang dahilan ng pagkakaroon ng sapat na kagamitan para matustusan ang pangangailangan at ang ekonomiya ng bansa ay nasa mataas na antas din.