Ano ang kakaibang karanasan mo na may kaugnayan sa konsepto ng wika?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang kakaibang karanasan mo na may kaugnayan sa konsepto ng wika?

Sagot verified answer sagot

Ano ang kakaibang karanasan mo na may kaugnayan sa konsepto ng wikaPara sa akin, ang pinakakaibang karanasan ko na mayroong kaugnayan sa konsepto ng wika ay ang pagkaroon ng kilalang may ibang sinasalita sa wikang ginagamit ko.

Noong una kong marinig silang nagsasalita ng ibang wika, magkakahalong damdamin ang naramdaman ko. Una ay nagtaka ako dahil mayroon palang ibang wika sa Pilipinas at napakikinggan ko ito ngayon.

Ikalawa, ay namangha ako dahil nang sabihin na sa akin ang kahulugan ng wikang sinasalita nila, mayroon ding mga salitang halos katulad at katunog ng wikang sinasalita ko na wikang Filipino. Dahil dito, nais ko ring matuto ng ibang wika mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.