Katanungan
ano ang kalagayan ng bansa sa panahong isinulat ni balagtas ang awit na florante at laura?
Sagot
Ito ay panahon na sakop ng mga Espanyol ang bansa. Kaya ito nasulat ni Francisco Balagtas dahil hindi maganda ang sitwasyon ng Pilipinas at mga Pilipino sa mga kamay ng mga Espanyol.
Labis na opresyon at pananamantala ang nararanasan ng mga Pilipino noon kaya nasulat ito ni Balagtas. Inilarawan niya ito sa pamamagitan ng Florante at Laura para mailahad ang sitwasyon ng mga tao.
Bukod pa rito, kaliwa’t kanang pang aapi rin ng mga Pilipino noon dahil mababa ang tingin sa kanila ng mga Espanyol at ipinagkakait ang kanilang batayang karapatan bilang residente rin ng bansa. Tuluy-tuloy din ang pang-gaganansya noon sa pamamagitan ng buwis.