Katanungan
ano ang kapangyarihan ng gobernador heneral?
Sagot
Ang gobernador-heneral ay ang itinuturing na pinakamataas na opisyal ng pamahalaan. Siya ang itinuturing na lider ng lahat ng pinunong deputadong gobernador.
Kaakibat ng pagiging gobernador-heneral ang sumusunod na tungkulin: siya ang nagpapatupad ng dekreto at mga batas na utos ng hari ng Espanya; taga-alis at taga-hirang ng mga opisyal maliban lamang sa hari; siya ang nangangasiwa ng lahat ng tanggapan na mayroon ang pamahalaan maging ang buwis ay sa kanya rin nakaatang; siya ang may kapangyarihang magdeklara ng digmaan o di kaya naman ay kasunduan partikular na sa mga taga-silangan; ang mga embahador ay kanyang hinihirang; ang mga pulo na makikita sa Pasipiko ay sakop ng kanyang kapangyarihan; at ang pagiging komandante ng sandatahang hukbo ng bansa ay kanya ring ginagampanan.