Ano ang kapangyarihan ni Gilgamesh?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang kapangyarihan ni Gilgamesh?

Sagot verified answer sagot

Ang kapangyarihang taglay ni Gilgamesh ay kapangyarihang natural. Si Gilgamesh, mula sa Epiko ni Gilgamesh na saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco, ay ang ika-limang hari ng lungsod na Uruk na kilala ngayon bilang Iraq.

Siya ay dalawang katlong Diyos at isang katlong tao na nagtataglay ng kapangyarihang natural. Matipuno, matapang, makapangyarihan subalit mayabang at abusado kung ilarawan siya ng kanyang mga nasasakupan kung kaya’t ipinagdasal nila na makalaya sa kanyang pamamalakad.

Dininig ng Maykapal ang kanilang panalangin at nagpadala ng isang nilalang na sinlakas ni Gilgamesh sa katauhan ni Enkido ngunit sa huli sila ay nagging matalik na magkaibigan.