Ano ang Karunungang Bayan?

Katanungan

ano ang karunungang bayan?

Sagot verified answer sagot

Karunungang Bayan ang tawag sa isang uri ng panitikan kung saan ito ay ginagamitan ng malalim na pag-iisip.

Kadalasan ay may kapupulutang aral rin ang mga ito. Ang mga tinaguriang Karunungang Bayan ay kadalasan hango sa mga karanasan n gating mga ninuno.

Isang halimbawa ng karunungang bayan ay ang bugtong. Ito ay uri ng laro kung saan may tanong na kailangan hulaan ang sagot.

Kailangan ng matalas na isipan para rito dahil hindi literal ang kahulugan ng mga tanong at sagot. Halimbawa ay “Tumingin ka sa akin, ang makikita mo ay ikaw din.” Ang sagot sa bugtong na ito ay salamin.