Ano ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas?

Sagot verified answer sagot

Ano ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng PilipinasSa kasalukuyan, ang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas ay hindi maganda. Ayon sa mga datos na inilalabas ng iba’t ibang samahan at ilang ahensiya ng pamahalaan, napakaraming suliraning pagkapaligiran ng Pilipinas.

Laganap pa rin sa bansa ang pagmimina na sumisira sa napakaraming kabundukan sa bansa. Marami pa rin ang insidente ng iligal na pagputol ng puno o pangangahoy sa bansa na nagiging dulot ng maraming trahedya sa mundo.

Kasabay nito, marami ding anyong tubig sa Pilipinas ang napakarumi. Napasama pa nga sa mga pinakamaruruming ilog sa mundo ang isang ilog sa Pilipinas, ang Marilao River sa Bulacan na ubod na ng itim ng tubig at animo ay burak na.