0
Katanungan
ano ang katapora?
Sagot
Ang Katapora ay isang uri ng panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa hulihan ng isang pangungusap o sa susunod na pangungusap.
Halimbawa:
- Ito ay isang napakagandang lugar. Ang Bulacan ay bahagi ng makulay na kasaysayan ng bansa.
- Patuloy nilang dinarayo ang Boracay dahil ang mga turista ay lubusang nabibighani sa ganda nito.
- Siya ay isa sa mga dayuhang turista na laging pumupunta sa Enchanted Kingdom dahil ayon kay The Rock, ito ay paborito niyang pasyalan.
Ang panghalip ay ang salitang panghalili o pamalit sa isang pangalan na nagamit o nabanggit na sa iisang pangungusap o sa kasunod na pangungusap.