Ano ang kaugnayan ng alokasyon sa sistemang pangkabuhayan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang kaugnayan ng alokasyon sa sistemang pangkabuhayan?

Sagot verified answer sagot

Ano ang kaugnayan ng alokasyon sa sistemang pangkabuhayanAng alokasyon ay tumutukoy sa mekanismo ng pamamahagi o distribusyon ng mga likas yaman, yamang tao, yamang pisikal sa iba’t ibang paggagamitan upang masagot ang mga suliraning pang-ekonomiya.

Ito ay ang pamamaraan ng pagtugon ng tao ukol sa suliranin ng kakapusan ng mga pinagkukunang yaman ng isang lipunan o bansa.

Ang alokasyon ay maaari ding tumukoy sa pagtatakda ng tiyak na dami ng pinagkukunang yaman para matugunan ang mga pangangailangan o kagustuhan ng isang tao.

Sa madaling sabi, ito ay parang pagbabadyet na ginagawa sa loob ng isang tahanan. Kailangan ay magamit nang wasto ang badyet na iyon upang matugunan ang pangangailangan ng bawat bahagi ng pamilya.