Katanungan
ano ang kaugnayan ng eksplorasyon sa naganap na kolonyalismo?
Sagot
Ang kaugnayan ng eksplorasyon sa naganap na kolonyalismo ay nagbunsod ito upang ang kolonyalismong kanluranin partikular na ang mga bansa sa Europa ay magkaroon ng pagkakataon upang magalugad, masakop, at masamantala ang iba’t ibang bansa sa mundo.
Ang kolonyalismo ang tumutukoy sa pananakop na tuwiran na isinasagawa ng mga bansa upang sa gayon ay mapagsamantalahan ng mga ito ang yaman na maaari nilang makuha mula sa mga bansang nasakop.
Ang pananamantalang ito ay ang ginagamit ng mga mananakop upang matustusan o matugunan ang kani-kanilang pangangailangan sa usapng pangongolonya.
Kadalasan, ang ugat ng kolonyalismo ay ang pagnanais na mapalawak ang mga sakop na lupain.