Ano ang kaugnayan ng heograpiya o katangiang pisikal ng isang lugar sa uri o klase ng kabihasnang umusbong o nabuo rito?

Katanungan Sagot

2

Katanungan

ano ang kaugnayan ng heograpiya o katangiang pisikal ng isang lugar sa uri o klase ng kabihasnang umusbong o nabuo rito?

Sagot verified answer sagot

Lingid sa ating kaalaman, ang posisyon ng isang lupain, lugar, o teritoryo sa mundong ito ay may mahalagang dulot para sa mga kabihasnang umuusbong sa lugar na iyon.

Kung ang kinalalagyan ng isang kabihasnan ay isang malawak at matabang lupain, sigurado na uunlad ito. Iyon ay sa kadahilanan na maraming mapagkukuhanan na hilaw na materyales ang mga mamamayan ng kabihasnan na iyon.

Maganda rin ang napapalibutan ng maraming anyong tubig bagamat iyon ay makakadagdag sa kanilang pagkukunan ng hilaw na materyales o di kaya naman ay pang-hanapbuhay rin.

Makakatulong rin ang mga dagat at kabundukan upang hindi sila masalakay o masakop ng ibang karatig na kabihasnan o lupain.