Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag usbong ng Rome bilang isang matatag na lungsod?

Katanungan

ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag usbong ng rome bilang isang matatag na lungsod?

Sagot verified answer sagot

ang kaugnayan ng heograpiya sa pag-usbong ng Rome bilang isang matatag na lungsod ay nagsilbi itong mahusay na lokasyon na nakatulong sa agrikultura na pangunahing ikinabubuhay ng kabihasnan.

Ang mga sinaunang tao na nabuhay noong unang panahon ay laging nakatuon ang pansin sa heograpiya ng isang lugar na kanilang nais gawing tirahan sa kadahilanang, ito ang nagtatakda ng mga hanapbuhay na maaaring gawin ng mga tao upang mapagtagumpayan ang pang-araw-araw na hamon ng buhay.

Kung kaya naman sa Roma, nagsilbing malaking tulong ang ilog Tiber upang makapagbigay ng isang lupang sakahan sa mga tao. Idagdag pa riyan ang pagiging daan ng kalakalan na lalong nagpaunlad sa Roma.