Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa lugar?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa lugar? Meron po ba itong kaugnayan? Kailangan kong malaman!

Sagot verified answer sagot

Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa lugarAng klima at likas na yaman ng isang partikular na bansa o lugar ay konektado o magkaugnay. Ang likas yaman o mga kayamanang nililikha ng kalikasan ay natuon sa klima.

Ang mga puno, halaman, mga hayop na mabubuhay, mga mineral na mabubuo sa kalupaan, at maging ang magiging konsentrasyon ng mga anyong tubig ay nakadepende sa klima. Kung sobrang lamig sa isang bansa, iilang uri lamang ng halaman ang maaaring mabuhay, gayundin ang sa hayop.

Kung mas maganda naman ang klima at mas angkop sa pagtatanim at paghahayupan, mas maraming uri ng halaman at hayop ang maaaring mabuhay sa isang bansa o lugar.