Katanungan
ano ang kaugnayan ng mga konsepto ng damage at loss?
Sagot
Ang damage at loss ay magkaugnay sa kadahilanang ang damage ay ang sanhi kung bakit nagkakaron ng kawalan o loss ang isang partikular na lugar o di naman kaya ay tao.
Ang damage o pagkasira ng isang pamayanan ay ang dahilan kung bakit nawawalan (loss) ng tahanan o imprastraktura ang mga mamamayan.
Ang dalawang konseptong ito ay magkaugnay sapagkat kung walang masisira o masasalanta ay walang mawawala. Isang halimbawa nito ay ang pananalanta ng isang bagyo.
Ang bagyo ay maaaring makawasak o makasira ng isang pamayanan. Ang mga bagay na nawala dahil sa pagkawasak o pagkasira tulad ng mga gamit, bahay, at ang pinakamalala ay buhay ay ang tinatawag na loss o ang epektong iniwan ng konsepto ng damage.