Katanungan
ano ang kaugnayan ng mga nabuong salita sa mga prodyuser?
Sagot
Ang mga salitang nabuo tulad ng presyo, pamilihan, at konsyumer ay may direktang kaugnayan sa salitang prodyuser. Ang lahat ng mga salitang ito ay konsepto sa ekonomiks.
Pinag-aaralan ang galaw at kilos ng mga salitang ito upang makita at mapag-aralan ang ekonomiya ng isang bansa. Prodyuser ang tawag sa pangunahing gumagawa o bumubuo ng mga produkto at serbisyo.
Ang mga nagawang produkto o serbisyo naman ay magkakaroon ng presyo. Matapos ang presyo ay didireetso ang mga produkto at serbisyong ito sa pamilihan, kung saan maaari silang ibenta at bilhin ng mga tinatawag na konsyumer. Paulit-ulit ang konsepto sa pagitan ng pagkaka-ugnay ng apat na salitang ito.