Katanungan
ano ang kaugnayan ng migrasyon sa sosyo kultural?
Sagot
Ang migrasyon ay may kaugnayan sa sosyo-kultural dahil pag lumipat ang isang tao o pamilya mula sa ibang bansa ay maaaring ipalaganap din nila ang kultura doon sa bansang kanilang titirhan.
Halimbawa na lamang ang mga Pilipino na mga nagmi-migrate sa Canada, nabitbit nila doon ang kagawian, kultura, o pamumuhay nila sa Pilipinas na maaaring maipakilala rin sa mga banyaga.
Napapaigting ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino pag sila ay nanirahan sa ibang bansa at maaaring gayahin din ito ng mga ibang lahi na tuturuan makipamuhay kasama ang ibang lahi. Maaaring umusbong din ang pag respeto ng ibang lahi sa mga kultura ng ibang lahi sa kanilang bansa.