Ano ang kaugnayan ng populasyon sa pinagkukunang yaman ng Asya?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang kaugnayan ng populasyon sa pinagkukunang yaman ng asya?

Sagot verified answer sagot

Ang populasyon ang nagdudulot ng pagkaubos at pagkawasak ng mga pinagkukunang yaman sa Asya.

Ang populasyon o ang tawag sa bilang ng nabubuhay sa partikular na lugar ay ang nagiging sanhi ng pagkaubos at pagkawasak ng mga pinagkukunang yaman dahil sa ptuloy na pagtaas at paglobo nito.

Ang mga likas na yaman ay sumasapat lamang kung ang populasyon ng mga nabubuhay ay nakaangkop sa kayang ibahagi nito.

Subalit dahil sa hindi makontrol na paglobo ng bilang ng tao, unti-unting nauubos at hindi sumasapat ang mga likas na yaman upang matustusan ang pangangailangan.

Sa kabilang banda, dahil sa paglobo ng nasabing bilang iba’t ibang aktibidad ang nagaganap na kung susumahin karamihan dito ay nagdudulot ng pinsala sa kapaligiran.