Ano ang kaya mong gawin para sa isang kaibigan?

Katanungan

ano ang kaya mong gawin para sa isang kaibigan?

Sagot verified answer sagot

Parte na ng buhay ng isang tao ang pagkakaroon ng mga karamay. Kabilang na rito ang kapamilya, kamag-anak, at maging mga kaibigan.

Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng pakikipag-kaibigan? At ano ang gagawin natin para sa ating mga kaibigan? Para sa akin, ang pagkakaroon ng kaibigan ay ang pakikipag-porma ng magandang relasyon sa isang tao na kadalasan ay may kapareha mo ng interes at karakter.

Bilang kaibigan, kayang kong ipamalas ang aking tulong sa oras ng pangangailangan, pagpapakita ng respeto at pagmamahal anumang oras, at pasisiyahin sa oras ng karamdaman at kalungkutan. Ilan lamang ito sa kaya kong gawin bilang kaibigan.