Katanungan
Ano ang kinakailangan upang matagumpay na maipatupad ang mga proyektong pampamayanan?
Sagot
Ang kinakailangan upang matagumpay na maipatupad ang mga proyektong pampamayanan ay ang pakikilahok. Ang mga proyektong pampamayanan ay mga prgramang nagbibigay kapakinabangan sa mga mamamayan.
Kabilang sa mga proyektong nakapaloob dito ay ang mga sumusunod: medical assistance na higit na kailangan ng mga mahihirap at walang kakayahan na magtungo sa pagamutan;
proyektong pagbibigay ng trabaho sa mga tao na kapaki-pakinabang upang mapababa ang antas ng kahirapan sa lipunan;
educational assistance na malaki ang naitutulong sa mga mag-aaral na walang kakayahan na makatuntong sa paaralan partikular na sa kolehiyo;
at pangangalaga sa kalikasan na kasiya-siya upang matugunan ang patuloy o lumalalang suliranin sa kapaligiran.