Ano ang klasikong akda?

Katanungan Sagot

7

Katanungan

ano ang klasikong akda?

Sagot verified answer sagot

Ang akdang klasiko ay isang uri ng panitikan na ang layunin ay maipahayag o mailahad ang mga pangyayari sa paraang payak o karaniwan kung saan ang mga salita ay higit na pinili upang maunawaan ng mga mambabasa.

Malimit na ang paksang ginagamit ay mga karanasang natatangi, mga pang-unawa o interpretasyon ng mga iba’t ibang pangyayari, at maging puna sa kapaligiran.

Ang mga manunulat ng akdang panitikang ito ay tinatawag na klasista. Ilan sa mga katangiang taglay ng uri ng panitikang ito ay ang mga sumusunod: may linaw, marangal, simple o payak, matimpi, obhetibo o nakabatay sa umiiral na katotohanan na walang panig na pinapanigan, maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, at nagtataglay ng hangganan.