Katanungan
ano ang klaster (kahulugan tagalog)?
Sagot
Ang klaster ay isang klase ng sitwasyon sa salita na kung saan mayroong dalawa o higit pang mga katinig na magkakatabi sa iisang salita lamang.
Ang pagtukoy sa mga salitang may klaster ay isinasagawa sa pagkakahati-hati ng salita sa bawat silabol o pantig.
Matapos mahati ay sisiyasatin ng indibiwal kung ang silabol o pantig ba ay nagtataglay ng dalawa o higit pang katinig na magkatabi o magkasama sa silabol na iyon.
Kung ito ay nagtataglay nga, ang salita ay maituturing na klaster. Kung mayroon mang dalawang katinig sa isang silabol o pantig subalit magkalayo ang mga ito o hindi magkatabi, ang salita ay hindi maituturing na klaster.