Ano ang komposisyon?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang komposisyon?

Sagot verified answer sagot

Ang komposisyon ay isang salitang may kasingkahulugan sa pagsusulat. Isa itong paraan ng pagsusulat kung saan ang may akda ay nangangalap ng mga impormasyon at ideya mula sa iba’t-ibang paraan at magpakukunan.

Ang mga nakalap niya ay kanya naming pagsasama-samahin upang siya ay makabuo ng kasulatan na maiintindihan ng isang mambabasa.

Gaya ng ibang uri ng panitikan, ang komposisyon ay binubuo rin nga mga talata. Ito ay may panimula, katawan, at pang-wakas.

May iba’t-ibang uri rin ang komposisyon base sa nais iparating ng may akda. Halimbawa, ang naratibong komposisyon ay nagsasalaysay ng isang kuwento habang ang argumentatibong komposisyon naman ay nanghihikayat ng isang indibidwal ukol sa isang isyu.