Ano ang komunikasyong interpersonal?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang komunikasyong interpersonal?

Sagot verified answer sagot

Komunikasyong interpersonal ang tumutukoy sa mga pangyayari at kaganapan sa pagitan ng dalawang tao o higit pa. Ito ay maaaring berbal o sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga salita, o di kaya naman ay di-berbal o sa pamamagitan ng mga aksyon.

Isang magandang halimbawa ng berbal na komunikasyong interpersonal ay ang pagsasagawa ng panayam o sa Ingles ay interview. Ang pakikipanayam ay ang paglanap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagharap at paglatag ng mga katanungan sa isang indibidwal.

Ang halimbawa naman ng di-berbal na komunikasyong interpersonal ay ang paggamit ng sign language. Ang sign language ay isang uri ng pakikipag-usap kung saan ang mga parte ng katawan ang ginagamit upang ipabatid ang mensahe.