Ano ang konklusyon? Kahulugan at halimbawa nito?

Katanungan

ano ang konklusyon Kahulugan at halimbawa nito?

Sagot verified answer sagot

Konklusyon ang tawag sa buod ng isang salaysay o pananaliksik. Ibig sabihin, dito makikita ang pina-ikli ngunit naglalaman pa rin ng kabuuang impormasyon ng isang panitikan.

Nilalarawan ng konklusyon ang lahat ng resulta at argumento na mayroon ang isang kasulatan. Madalas ito makikita, gaya ng nabanggit na, sa mga salaysay at sa mga akademikong pananaliksik. Ang konklusyon ay ang pinakahuling mababasa sa mga ito.

Halmibawa ng konklusyon ay kapag ikaw ay gumawa ng isang eksperimento tungkol sa mga halaman.

Ang isa ay inilagay mo sa nasisikatan ng araw habang ang isa naman ay nasa dilim. Sa iyong konklusyon, ilalagay mo kung anong halaman ang lumaki.