Katanungan
ano ang konotasyon at denotasyon sa awiting bayan?
Sagot
Ang pagpapakahulugan ng awiting bayan ay maaaring mahati sa dalawa ang konotasyon o sariling pagpapakahulugan at ang denotasyon na hango sa diksyunaryo o ang tunay na ibig sabihin ng isang salita.
Ang denotasyong pagpapakahulugan sa awiting bayan o kantahing bayan sa ibang katawagan ay mga awiting umiral noong panahon ng mga ninuno sa Pilipinas na maging sa kasalukuyan ay patuloy pa ring inaawit.
Ang mga paksa ng awiting ito ay mga kulturang katutubo, damdamin ng indibidwal, paglalarawan sa kapaligiran, pag-asa, pag-ibig, at iba pa.
Samantala ang konotasyong pagpapakahulugan naman ay isang awiting pinasimula ng mga ninuno na naging daan upang maipahayag ang sariling karanasan, damdamin, paniniwala, at iba pa.