Ano ang konsepto ng pagkamamamayan?

Katanungan

ano ang konsepto ng pagkamamamayan?

Sagot verified answer sagot

Ang konsepto ng pagkamamamayan ay ang antas ng kalagayan o katayuan ng isang indibidwal bilang isang kasapi ng estado o pamayanan.

Ang bawat indibidwal na nabubuhay sa mundo ay mayroong kani-kanyang pagkamamayan o citizenship alinsunod sa batas na itinakda ng isang bansa o teritoryo.

Upang maging isang mamamayan ito ay nararapat na nagtataglay ng mga pamantayan na iniatas ng Saligang Batas ng bansa.

Halimbawa na lamang sa Pilipinas, maaaring maging mamamayan ng bansa ang isang indibidwal na mayroong ama o ina na tunay na Pilipino, ang indibidwal ay piniling maging mamamayan ng bansa matapos ng lima o higit pang taong paninirahan sa bansa, at ang naturalisasyon.