Katanungan
ano ang kontraktwalisasyon?
Sagot
Isang uri ng sistema sa mga manggagawa ang kontraktwalisasyon. Ang kontraktwalisasyon ay nanggaling sa salitang kontraktwal, na isinalin mula sa salitang contractual na wikang Ingles.
Nangangahulugan ito na ang isang trabahador ay hindi isang regular na emplayado kung maituturing. Siya lamang ay may kontrata kung gaano katagal siya mananatili sa kanyang posisyon o trabaho sa isang ahensya o kumpanya.
Mas mababa rin ang sahod na nakukuha ng isang kontraktwal na manggagawa. Sila rin ang unang pinapalaya o pinapaalis sa trabaho kapag kinakailangan na magtanggal ng mga manggagawa.
Walang kasiguraduhan ang trabaho sa kontratwalisasyon. Kaya naman maraming mga tao ang hindi sang-ayon rito.