Ano ang kulturang masasalamin mula sa kwentong bayan na pinamagatang Nakalbo ang Datu?

Katanungan

ano ang kulturang masasalamin mula sa kwentong bayan na pinamagatang nakalbo ang datu?

Sagot verified answer sagot

Sa ating binasang maikling kwentong bayan na may pamagat na “Nakalbo ang Datu,” ay ating makikita ang kulturang Muslim kung saan ang mga lalaking Muslim ay pinapayagang mag-asawa ng higit pa sa dalawa basta naman kayang sustentuhan ng lalaki ang kanyang mga asawa at magiging mga anak sa bawat asawa.

Isa na itong praktis na matagal nang sinusunod ng nakararaming mga lalaking Muslim. Hindi nab ago ang pananaw na ito at maging ang mga babaeng Muslim ay sumasang-ayon rito.

Ito ay may pahintulot ng kanilang Diyos na sinasamba sa ilalim ng kanilang relihiyon na Islam. Lagi lamang tatandaan ng lalaki na maging sapat para sa kanyang mga pamilya.