Katanungan
ano ang kumakatawan sa walong sinag ng araw sa watawat ng pilipinas?
Sagot
Ito ay sumisimbolo sa mga probinsya o kalunsuran na naguna sa pag aaklas laban sa mga Espanyol. Ito ay ang Maynila, Cavite, Tarlac, Batangas, Nueva Ecija, Pampanga, Laguna, at Bulacan.
Ito ang naging simbolo dahil nangangahulugang ang lugar na ito ay lumaban sa pananakop ng Espanyol at matapang na nag aklasan para makamit ang kalayaan ng Pilipinas.
Marapat lamang na kilalanin ng bawat henerasyon at ang kasaysayan ng ating watawat dahil may bitbit din itong mga simbolo noong panahon ng kolonyalismo.
Bukod pa rito, ang watawat ay simbolo rin ng pagkamit ng kalayaan ng Pilipinas dahil sa pag rebolusyon ng mga tao.