Ano ang kwentong makabanghay?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang kwentong makabanghay? 😮

Sagot verified answer sagot

Ano ang kwentong makabanghayAng kuwenrong makabanghay ay isang uri ng kuwentong nagbibigay-diin sa banghay o maayos na daloy ng mga pangyayari sa teksto o istorya.

Ito ay mula sa salitang banghay na may kahulugang ang maayos o masinop na daloy ng magkakaugnay na pangyayari sa mga akdang tulad ng maikling kuwento, anekdota, mito, alamat, at nobela.

Ang kuwentong makabanghay ay nabubuo dahil mula sa banghay ng kuwento ay makabubuo ang mambabasa ng balangkas kung saan makikita ang pagkakaugnay ng mga pangyayari sa kuwentong binasa.

Kabilang dito ay ang panimulang pangyayari kung saan ipinakikila ang mga tauhan at ang tagpuan, papataas na pangyayari, kasukdulan, pababa ng pangyayari, at ang resolusyon.