Katanungan
ano ang larawan ng isang matiwasay na lipunan para sa iyo?
Sagot
Ang larawan ng isang matiwasay na lipunan para sa akin ay payapa, maayos, at masagana. Ang lipunang matiwasay ay mailalarawan bilang payapa sapagkat ang bilang ng krimen dito ay nasa maliit na bahagdan lamang.
Ito ay may kaayusan sapagkat ang mga batas na ipinatutupad ay masusing sinusunod ng bawat isa. Ito rin ay mailalarawan bilang masagana dahil malinis at matatag ang kapaligiran gayundin ang pamamalakad dito.
Ang mabuti at maayos na pamamalakad sa lipunang masagana ay hindi lamang nakatuon sa benepisyong makakamtan ng bawat isa ngunit sa pagsisikap at pagtutulungan na makamit ang mga layuning kaakibat nito. Gayundin ang pagsisikap na mapangalagaan ang respeto para sa lahat.