Katanungan
ano ang larawang diwa?
Sagot
Ang larawang diwa o sa ingles ay tinatawag na imagery ay elemento ng akdang pampanitikan na tula. Ang tula ay isang akdang pampanitikan na ginagamit ng mga indibidwal upang maihayag ang kanilang saloobin gamit ang literatura.
Ito ay binubuo ng iba’t ibang element na kinabibilangan ng larawang diwa na kung saan isa ito sa nagbibigay ng kagandahan sa nais ipabatid ng bawat salita na nakasaad sa akda sa pamamagitan ng pagkikintal nito ng mga tiyak na imahe o larawan sa isipan ng bawat bumabasa.
Ang paggamit ng larawang diwa ay nakatutulong sa bawat indibidwal upang mabigyan ng mukha o imahe ang nais ipabatid ng sumulat ng isang akda.