Katanungan
ano ang layunin ng batas?
Sagot
Layunin ng mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan na magkaroon ng gabay ang mga mamamayang naninirahan sa isang lupaing kanilang sinasakupan.
Sa pamamagitan ng mga batas ay nais ng mga namamahala na sundin ito ng mga tao upang magkaroon ng maayos na sistema ng pamumuhay.
Sa ganitong paraan ay magiging matiwasay ang bawat isa at sila rin ay magkakaisa. Layunin rin ng mga batas na walang maapakang tao o maabusong mga karapatan.
Sa ilalim ng mga batas rin nabibigyan ng karampatang parusa ang sinumang lalabag o magtatangkang suwail ang utos ng pamahalaan. Proteksiyon ng sangkatauhan ang mga batas na ipinapatupad.