Katanungan
ano ang layunin ng batas na ra 9275?
Sagot
Ito ay upang mabigyan ng malinis na tubig ang mga tao. Ang Clean Water Act ay nagpapahalaga na mabigyan ng malinis at ligtas na tubig ang mga tao para sa kanilang inumin at iba pang maaaring gawin tulad ng paghuhugas sa sarili o kaya sa mga kagamitan.
Mahalaga na may Clean Water Act upang hindi maapektuhan ang kalusugan ng mga tao at hindi basta basta pwede magtapon ang mga pabrika sa mga katubigan ng kanilang mga kemikal mula sa pagawaan dahil maaaring maapektuhan ang tubig ng mga tao. Bukod pa rito, maaari rin magsanhi ng pagkamatay ang maduming tubig para sa isang tao.