Ano ang layunin ng bawat sektor?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang layunin ng bawat sektor?

Sagot verified answer sagot

Ano ang layunin ng bawat sektorAng bawat sektor ng lipunan ay mayroong kaniya-kaniyang layunin. Halimbawa, ang sektor ng edukasyon ay naglalayong bigyan ng kaalaman ang bawat bahagi ng kanilang lipunan sa pamamagitan ng mga leksiyon sa paaralan.

Ang layunin naman ng sektor ng pamahalaan ay ang magbigay ng nararapat na serbisyo sa kanilang mamamayan at sigurihing mananatiling tahimik at payapa ang kanilang lugar.

Ang mga negosyo naman ay inaasahang magbibigay nang maayos at patas na serbisyo sa mga parokyano nila. Ang simbahan naman ay inaasahang magpapataas ng moralidad at magpapatatag ng pananampalataya ng mga mamamayan. Ang pamilya naman ay may obligasyon na hubugin ang pagkatao ng kanilang bawat miyembro.