Katanungan
ano ang layunin ng health advisory?
Sagot
Ang layunin ng health advisory o sa tagalog ay mga paying medikal ay ang pagbibigay ng mga payo na maaaring makaapekto sa aspeto ng katawan o kalusugan ng bawat indibidwal, nabibilang din dito ang iba’t ibang mungkahi, patakaran, maging plano o takbuhin na may malaking ugnayan sa ligtas na pamamahala ng mga pangmedikal na institusyon.
Idagdag pa riyan ang makapagbahagi ng mga impormasyon patungkol sa mga makabagong teknolohiya na kapaki-pakinabang sa usaping medikal gayundin ang mga bagong tuklas na medisina.
Ang ganitong uri ng paalala ay higit na mahalaga sa kasalukuyang panahon sapagkat naging isang malaking dagok sa buhay at kabuuan ng bansa ang pandemya.