Ano ang layunin ng likas na batas moral?

Katanungan

ano ang layunin ng likas na batas moral?

Sagot verified answer sagot

Ang layunin ng likas na batas moral ay kabutihan ng tao. Ang bawat indibidwal ay binibiyaan ng batas moral na siyang nagsisilbing batayan upang makabuo ang tao ng isang pasya at kilos na malaya na hindi naaapektuhan ng ibang tao.

Subalit ang pinakamalalim na layon nito ay makamtam ang kabutihan ng tao sa pamamagitan ng paggabay ng likas na batas moral.

Sa usaping ito, kapaki-pakinabang ang kilos-loob dahil ito ang nakaaapekto sa pagtahak sa landas ng kabutihan o kasamaan na may malaking epekto sa buhay ng isang tao.

Kung kaya, inuukit ng likas na batas moral sa bawat indibidwal ang kahalagahan ng paggawa ng mabuti kaysa sa masama.