Ano ang layunin ng retorika?

Katanungan

ano ang layunin ng retorika?

Sagot verified answer sagot

Ang layunin ng retorika ay upang makapagpahayag, makahikayat, at makapagbigay aliw. Ang retorika ay isang mabisang pamamahagi ng kaalaman sa dalawang pamamaraan, ang pasulat at pasalita.

Ang isang retorika ay binibigkas ng isang rhetor o higit na kilala bilang guro o tagapagsanay ng kaisipan na may kagalingan sa larangan ng pananalumpati.

Kadalasan, ang retorika ang itinuturong pinakamabisang paraan ng pagbibigay impormasyon, panghihikayat, at pagbibigay aliw sapagkat madali lamang itong mapakinggan o di naman kaya ay masabi.

Sa pagbigkas man o pagsulat ng retorika, higit na binibigyang halaga din ang kahusayan sa paggamit ng angkop ng mga salita at gramatika upang sa gayon ay maging kaaya-aya hindi lamang ang impormasyon ngunit pati na rin ang balangkas nito.