Ano ang maaaring gawin sa mga taong lumalabag sa batas?

Katanungan

ano ang maaaring gawin sa mga taong lumalabag sa batas?

Sagot verified answer sagot

Ang bawat bansa sa buong mundo ay may mga batas na sinusunod. Ipinapatupad ang mga batas na ito upang maging basehan ng patakaran at kasunuran sa nasabing lugar.

Nakasaad rin sa batas ang mga parusang kinakailangan ipataw sa kung sino man ang lalabag. Ayon sa batas, ang maaaring gawin sa mga taong lumalabag sa batas ay

1) ikulong ang mga ito

2) pagbayarin sa napinsala kung mayroon man

3) (sa ibang bansa) may batas na tinatawag bilang “death penalty” kung saan kikitilin ang buhay ng may sala.

Sa ilalim ng batas, maaari ring mag-areglo o magkaroon ng kasunduan ang may sala at ang biktima.