Katanungan
ano ang maaaring gawin upang maipakita ang pagmamalasakit sa kapwa?
Sagot
Isang magandang katangian sa tao ang pagkakaroon ng malasakit sa kapwa. Ang malasakit ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na unawain ang sitwasyon na kinabibilangan ng kapwa niya.
Bilang isang mag-aaral, maaari nating ipakita ang pagmamalasakit natin sa ating kapwa sa paraan na tumutulong tayo sa kapwa natin mag-aaral.
Kung may hindi naiintidihan an gating kaklase habang nasa paaralan o di kaya naman ay kinakailangan ng tulong sa takdang aralin ay pwede tayong mag-abot ng tulong at ipaliwanag sa kanila ang aralin.
Tuwing may sakuna tulad ng bagyo ay halimbawa rin ng pagmamalasakit ang pagbibigay ng mga donasyon tulad ng damit at pagkain.