Ano ang magagawa ko sa pamahalaan sa kampanya laban sa covid 19?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang magagawa ko sa pamahalaan sa kampanya laban sa covid 19?

Sagot verified answer sagot

Ang aking maitutulong sa kampanya ng pamahalaan laban sa Covid-19 ay ang pagsunod sa mga patakaran, partikular na ang medikal, na kanilang ipinapatupad.

Tulad ngayon, ang lahat ay kinakailangan na lagging may face mask at face shield na suot. Dapat rin ay laging may baon na alcohol at kada may hahawakan ay sisiguraduhing lilinisin ang kamay gamit ang dalang alcohol o di kaya naman ay maghuhugas.

Pinapatupad din ngayon ang tinatawag na social distancing kaya titiyakin kong hindi ako mapapalapit sa kahit sinumang makakasalubong. Kung ako man ay nakakaramdam na ng sintomas ay agad akong magpapatingin at magpapasuri upang maagapan agad.