Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa sa pamumuhay ng mga Asyano?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa sa pamumuhay ng mga Asyano?

Sagot verified answer sagot

Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa sa pamumuhay ng mga AsyanoMahalaga ang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa sa pamumuhay ng mga Asyano. Sa rehiyon ng Asya na kung saan ang pinakamahalagang salik at industriya ay agrikultura, ang mga anyong lupa ang nagbibigay ng hanapbuhay at pagkain sa mga mamamayan dito.

Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman at pag-aalaga ng hayop ay nakikinabang ang mga Asyano, at maging ang mga taong umaasa sa mga produktong nililikha nang nasabing kontinente. Maliban sa pagkain at agrikultura, mahalaga rin ang mga anyong lupa sa turismo.

Maraming magagandang tanawin na anyong lupa ang makikita sa buong Asya na talaga namang dinarayo. Kung malakas ang turismo, malakas din ang kita ng mga Asyano.