Katanungan
ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa ekonomiya?
Sagot
ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa ekonomiya ay ang paghahandog ng iba’t ibang serbisyong panlipunan.
Ang mga serbisyong panlipunan ay nakatutulong sa kapakanan ng bawat mamamayan. Kabilang sa mga ito ang serbisyong pangkalusugan na kung saan tuon nitong pangalagaan ang kalusugan ng bawat tao sa ilalim ng pamumuno ng DOH o Department of Health.
Serbiyong pang-edukasyon na layong mapaunlad ang kalidad ng pagkatuto ng bawat mag-aaral sa mga mababang paaralan na matatagpuan sa bansa.
Ang Department of Education ang ahensiyang nangangalaga rito. At serbisyong pangkaligtasan na siyang nagpapanatili ng kapayapaan sa bansa sa tulong ng mga kapulisan, navy, sundalo, at iba pa.