Ano ang malinaw na pagkakaiba ng wika at diyalekto?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang malinaw na pagkakaiba ng wika at diyalekto? Parang pareho lang kasi sila. Pa-explain naman po huhuhu

Sagot verified answer sagot

Ano ang malinaw na pagkakaiba ng wika at diyalektoAng pinagkaiba ng wika at diyalekto ay: ang wika ay ang salitang ginagamit sa isang bansa o lugar. Sa Pilipinas, maliban sa wikang Filipino, may iba’t ibang wika sa iba’t ibang lugar. Hindi dapat tawaging diyalekto ang mga ito.

Ang diyalekto ay sumasaklaw naman sa barayiti ng wika na ginagamit ng isang tao sa isang pook o rehiyon. Ito ay ang pagkakaiba ng isang partikular na wika ayon sa lugar na pinaggagamitan. Halimbawa nito ay ang wikang Tagalog.

Nagiging diyalekto ito kung ang pag-uusapan ay ang Tagalog ng mga taga-Batangas, at Tagalog ng mga taga-Bulacan. Parehong Tagalog ngunit nagkakaiba sa paraan ng paggamit depende sa lugar.