Ano ang malnutrisyon?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang malnutrisyon? ty sa help 🙂

Sagot verified answer sagot

Ano ang malnutrisyonAng malnutrisyon ay isang termino o katawagang medikal na ginagamit para sa mga taong kulang sa wastong timbang o isang taong kulang sa wastong pagkain o nutrisyon.

Ang malnutrisyon ay maituturing na isang kondisyon na nagiging dahilan upang hindi maging sapat ang enerhiya at lakas ng isang tao upang gumawa ng mga bagay na kaya na sana ng kanilang edad.

Nasusukat ang malnutrisyon sa pamamagitan ng timbang at ialng pagsusuri kung saan malalaman ang kakulangan ng isang tao pagdating sa kaniyang kalusugan. Ginagamot naman ang mga taong nakararanas ng malnutrisyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain na sasapat upang mapalakas ang katawan.