Ano ang mangyayari kapag hindi na pangasiwaan ng tao ang kanyang emosyon?

Katanungan

ano ang mangyayari kapag hindi na pangasiwaan ng tao ang kanyang emosyon?

Sagot verified answer sagot

Maaaring maging sanhi ito ng hindi pagkakaintindihan sa magiging resulta. Ang bugso ng damdamin ng tao ay mahalagang mabantayan at hindi mabitbit sa pagpapasya dahil maaaring madala lamang ng emosyon at magkaroon ng padaskul-daskol na desisyon.

Dahil sa padaskul-daskol na desisyon ay maaaring magiging pangit at hindi na magugustuhan ang resulta nito pagtapos noong nagdesisyon para rito.

Maaaring hindi rin magiging balanse ang kaniyang desisyon dahil umaapaw ang kaniyang emosyon niya noong nagdesisyon siya.

Bukod pa rito, dapat matalino ang pagdedesisyon at hinid lamang basta-basta magpapadala sa emosyon upang hindi magkaroon ng pagsisisi sa huli. Kailangan nakapagitna o “neutral” lamang ang emosyon ng tao pag magpapasya.