Ano ang mangyayari sa demand para sa internet connection?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang mangyayari sa demand para sa internet connection?

Sagot verified answer sagot

Sa panahon ngayon, isa na sa ating pangunahing pangangailangan ang internet. Lahat ng mga bagay ay maaari na nating makita sa internet.

Kaya naman napakahalaga na magkaroon ng internet connection sa bawat bahay at maging na rin sa mga pampublikong lugar, tulad ng silid aklatan, mga parke, at iba pang pasyalan.

Patuloy na tumataas ang demand sa internet connection ngayon dahil maraming mga Pilipino ang gumagamit nito. Mula sa pakikipag-usap, sa pagsasaliksik ng mga impormasyon, hanggang sa pag-aaral – malaking tulong talaga ang internet at teknolohiya.

Sa tingin ko ay hindi bababa ang demand sa internet. Sa dami ng demand dito ay maraming mga kumpanya na rin ang nagbubukas upang magbigay ng serbisyo.