Ano ang mangyayari sa demand para sa mga pampublikong sasakyan?

Katanungan

ano ang mangyayari sa demand para sa mga pampublikong sasakyan?

Sagot verified answer sagot

Ang konsepto ng demand sa ekonomiks ay ang pagkakaroon ng isang indibidwal na hangarin na bumili o gumamit ng isang produkto o serbisyo.

Ating masasabi na sa panahon ngayon ay mataas ang demand sa pampublikong mga sasakyan, tulad ng tren, bus, at dyip.

Dahil sa pandemya ay nagkaroon ng tinatawag na physical distancing, kung saan bawal magtabi o magdikit ang mga tao sa pampublikong mga lugar at sasakyan.

Naging resulta nito ay nabawasan ang bilang ng mga pasahero o taong nagkakasya sa isang sasakyan. Halimbawa, ang dyip na dating kaya magsakay ng 20 katao ay sasampu na lamang ngayon. Kaya nagiging mataas ang demand para dito. Kakaunting sasakyan ngunit maraming mga pasahero.